Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 27, 2009

Pagluluno Ng Agila At Dragon

Ang lupa nati’y tinaniman ng apoy ng puting unggoy,
At ang inani nati’y nagbabagang tansong pananaghoy.
Ngayon, muling tinataniman ng nagliliyab na dragon.
Anong aanihin natin pagdarapithapon? Iyan ang tanong!

Isang text message ng boss ko sa aking celfon:
“Tata, bring ka ng pampaligo kasama ka sa bakasyon
Papuntang Clark 4 2 days to assist Faculty Conference.
Sumabay ka na sa taga library alas seis sa martes.”
Matingkad sa dati ang ganda ng CDC at Fontana,
May maluluhong gusali sa lupaing para sa mapera;
Masasarap ang pagkaing lahat ay banyaga
Sa aking panlasa. Nagsalisaw ang mapuputing hita
Ng mga balingkinitan at matang maliliit
Ng dumadayong foreigner, waring nananabik
Akong sila’y makalapit at masinsinang makausap
Upang aking itanong kung anong totoong naganap
Sa dating lugar ng mga sundalong Amerikano
Na ngayo’y nangabili na ng Tsino’t Koreano.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: