Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 27, 2009

Paglulon Ng Alon

Naaanod ang palipod sa may laot,
Sumusunod pasapusod nitong agos;
Gumagaod gawing timog, Maninibog
Na may suklob na salakot at may kutob-
Buburabok ang lukaok na kumislot.

Ikinunday kanang kamay. Idinawdaw
Na palantaw sa malinaw na tubigan
Ang panggalay na may kulay dinampulan.
(Sumisigaw ang kilyawan sa kawayang
Humahapay ang pisigan sa pasigan.)

Takipsilim nang samsamin at likumin
Ang ayunging naglambitin sa laginling
Ipinaling nitong hanging salinukin
Sa lambaking matiisi’y naninigil.
(Tumitigil din ang hangin pagkulimlim.)

Walang gutom ang marunong na tumimon
Pagdidimon at daluyong ng panahon.

Palipod – nabaling tulos na naiwan ang kaputol sa tubig
Maninibog – mangingisdang hinahataw ang rabaw ng tubigan
Buburabok – bulang likha ng isda sa ilalim ng tubig
Panggalay – malaking biwas, bingwit o pamansing
Laginlin – natural na pagkain ng isdang malakas magpahilab o
magpalaki
Salinukin – pabalik at umiikot na hangin sa lambakin, kuwengka o
lungki

Mayo 12, 2008
Birheng Bato
Pulo ng Talim


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: