Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 27, 2009

Eksena ng Buhay

Lumalagaslas na talon sa parang ng laot
Ang kuluting along walang dalampasigang mayayapos.

Gahiblang buhok ang agwat sa buhol ng trapik
Ng sari-saring sasakyang hindi umiimik sa SLEX.

Dipang lumalakad nang paluhod ang matandang babaeng
Ang serbisyong dasal ay inarkila para sa imahen sa estante.

Pikit na nakakapit ang bilanggo sa galising karsel
Na ang nagbabantay ay masahol pa sa Guardia Sibil.

Alumpihit at inaarikit sa sakit sa ospital
Ang pasyenteng walang kakayahang ang nagastos ay bayaran.

Samantalang nagpapatintero sa magarang palasyo
Ang mangungurakot sa kawawang gobyerno.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: