Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 27, 2009

Dakila Ang Pilipino

Dilang nag-aalab ang dulo ng baril,
At espadang gasang sa moog ng buhay;
Kapingkia’y kapwa Pilipinong tunay
Igting ng labana’y maraming nakitil.

Liyab nitong apoy ay hindi mapawi,
Angaw ang nagdusa na ating kapatid;
Ang bayan ni Huwan ay palaging sawi
Na ang inaani ay hikbing paghibik.

Gumayak! Dakila! Kayo ang kumilos,
Pagningasing lipos ang dalang prinsipyo;
Inyong ibandilang kayo ang tutubos
Na hindi nagawa ng gobyernong bobo.

O, dakilang Pinoy huwag kang luluhod,
Yaman nati’t tapang ang maging busabos.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: