Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 27, 2009

Alabok

Gunitang naglayag hanap ay alabok
Na dating dumapyo’t sa aki’y humagod
Noong ang panaho’y hindi nasasakop
Ng bagong milenyong dagling umimbulog.

Ngayo’y natitimbon sa pukas na daang
Sinalisalisod ng paang magaspang,
Tanging ipoipo ang nagpapatunghay
Upang manalakay sa gawing kanluran.

Ngayong humahaplos ang bagong alabok
Sa hapay kong buhay ay waring sinagot
Ang tanong kung galing ba sa alabok
Ang tao sa mundong mabagal umikot.

Halina, Alabok, at ibahaghari
Ang kulay mong laging ipinagkatangi.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: