Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 5, 2009

Minsang Kinain Ako Ng Pulitika

Kamakailan lang, dumapo sa akin ang pulitika
at ako’y iniluklok tatlong taon bilang pinuno nila
dito sa isang pamantasang maraming sumisinta,
kaya naman ang aking pamumuno ay maigting na pinaganda.
Anu’t di kaginsaginsa’y nagkaroon ng malaking problema
sa Ombudsman, ako’y kinasuhan ng dalawang magkakutsaba
upang bunutin at lansagin ang punlang naghitik sa bunga,
At limang taong singkad na nakipagkudyapi sa Korte Suprema.

Isa sa mga naging tagapagtanggol ko’y si Chiz Escudero
na noo’y isang bata’t tarikang Propesor sa  UP College of Law,
binusog ng palasong niligis ng kanyang talino
ang mga usaping pinagtagni-tagni’t di totoo
kaya napagwagihan ko ang napakatagal na limang taong kaso.

Dahilan ako’y naglingkod nang tapat sa bayang nililiyag,
mangilan-ngilang pangila’y pinupukol ako’t pinababagsak;
subalit kung ang tamang batas ang siyang nilalandas
sumasaatin ang kamanyang ng katotohanang busilak.

Mulang nadismiss at pumanig sa akin ang hustiya’y
kagyat kong nilimot ang napakaruming pulitika.
Kaya ako’y naririto, tumutula, at nanghaharana
sa mga kasamang makatang gusto’y laging masaya.


Responses

  1. Maligayang Pasko at manigong Bagong Taon sa iyo, kaibigang makata! Isang tagay para sa iyong pagpupunyagi sa panitikang Filipinas.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: