Ipinaskil ni: Raul Funilas | Disyembre 2, 2009

Pagbabagong Anyo

Pinagawang tula para sa paggagawad ng karangalan sa mga nagwagi sa PopDev Media Awards ng Philippine Legislators Committee on Population and Development na nililok ng aba ninyong lingkod.

Dalawampung taon humigit kumulang,

Mulang maitatag ang isang tanggapan

Na mangangasiwa sa ‘ting sambayanang

Kapus-palad yaong dukhang pamumuhay.

Ang PLCPD ay kagyat bumantog

Sa lantay-andukhang ipinagkaloob,

Laksang mamamayan biyaya ay abot—

Kamay itong langit… ng pinunong handog.

Kaya nang sumapit ikalimang taon

Noong 2005 agad na nagpulong,

Ang pangasiwaa’y nagkaisang tugon;

Palilok ng kahoy panggawad sa kampeong

Siyang magtatala nang napakahusay,

Totoong naganap sa kapaligirang

Namasid sa tv at d’yaryo ng bayan

At sila’y kilanlin sa ating tanghalan.

Sa pupong dekada ng pamamayagpag,

Ang mga talento’y alab ang palakpak;

Ang bawat magkamit ng tropeong gawad

Higit pumilantik ang plumang panulat.

Ngayong huling yugto ng piladong taon,

Ang mga pinuno’y pamuling nagpulong;

Likot ng isipa’y isang ebolusyon—

Palitan ng bubog ang tropeong kahoy.

Pagbabagong anyo’y merong kasapakat

Na mga isipang tanaw ay kaylawak,

Dahila’y ang bubog may kislap ng pilak

Na sasalaminan ng pusong busilak.

Ngayon, ngayon ay narito ang tropeong bubog

Na sadyang kay-inam na ating ihandog

Sa mga nagsikap pumunta sa rurok

Nitong panitika’t sining maalindog.

Mabuhay ang lahat na siyang kapural

Upang ang tropeo’y isakatuparang

Magbago nang anyo’t tuloy ang banyuhay

Ng PLCPDng lantay ang kamanyang.

Nobyembre 30, 2009

Sa pusod ng laot sa lawa ng Laguna

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: