Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 28, 2009

Sasalipadpad Sa Hangin Ang Aking Hiraya

Kung ang tula ko’t panambitang

Sa iyo’y aking isininta’y

Di na maganda 

At walang halaga

Sa iyong panlasa,

Wala nang tulaing mamumutawi pa

Sa aking buntunghininga

Ng mga pag-asa;

Pagkat walang tinig na nagpapasaya

At nagpapasiya sa isang harana—

Di katulad noong maraming papuri kahit isang linya

Ang nananambitan sa aking hiraya.

A…marahil, hindi na maganda

Ang dilang bulaklak ng diwang persona,

Kaya papuri mo’y kayhirap makuha;

O kaya’y umay na ulinig ng tenga

Sa mga kundimang himig ay pagaw na.

Hayaang umalpas ang bahaw na kanta

Sa labi kong uhaw sa iyong pagsinta

Upang kahit hangin ay ito’y madala

Sa kaligiran mong di ko na madama.

 

Nobyembre 27, 2009

President’s Office

Far Eastern University

Nicanor Reyes St. Manila


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: