Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 28, 2009

Rekuwerdo Ng Aking Puso

Patawad kung wala ako sa iyong piling

Sa tuwinang ipinagdiriwang natin

Ang gintong-araw na kayhirap limutin,

Lito lang ang isipan ko at marahil:

(Ganito lamang ang tumatandang ulyanin.)

 

Kung ang pagkukulang ko ay di mo matanggap,

Damputin ang sibat at iyong itarak

Sa puso kong inamag at kumukupas

Ang lumeng dating maluningning ang kislap;

(Baka sakaling ang loob mo’y maglubag.)

 

Sakali at makitang wala nang buhay,

Hayaang maagnas ang aking katawan

Upang ianod ng ulan sa hantungan

Puntod  na paglalagakang kapalaran.

(H’wag mo akong iiyakan aking Mahal.)

 

Siguro, mananahimik na ang pagod

Kong pusong minsang sa iyo’y inihandog.

 

Nobyembre 26, 2009

Sa Balitangan ng Puso


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: