Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 24, 2009

Bigote

Bigote
(Panganay nina At at Balbas)

Santambak ang kiliting tumubo
Sa aking bigoteng iniandas ko noon.

Bahagharing bumabawig baligtaran.
(Parang si Marcelo H. del Pilar.)
Kapagka ako’y nagmamakata-makataan
O nag-iinarte sa manipis na tanghalan

Minsa’y pinagpaparausan at pinarurusahan
Ng kabilanang matalas ang dalawang kilay,
Sinasalugsog at sinusuyod
Ang puklo ng baanging balingusaw.

Subalit pamuling susupang,mamamalumpong
At maninigasig ang panunuwahe.

Hawang murok,
Hiwang rurok
Na pisngi
Ng langit
At batik ang bitak na labi
Ang anaki’y karayom nitong sinusulsi


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: