Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 13, 2009

Pentalogo Ng Likhang Bingit Sa Panganib

I-Kababalaghan:

Bakit ang kawayan kapagka pinutol

At saka lumipas ang ilang panaho’y

Merong makikitang isdang lumalangoy

Sa biyas ng damong may sanaw na ipon?

 

II-Kariktan:

Bakit iyang lupa kapagka binagbag

Ay merong halamang dito ay lalabas

Na nuknukang ganda pag namumulaklak

At ubod ng bango ang petal na rosas?

 

III-Kagulat-gulat:

Bakit iyang tubig kapagka bumuhos

At sa lupang tigang bumaha’t umanod

Tayo ay may gulat at sagilang takot

Lalo’t ang paghupa’y hindi na-aarok?

 

IV-Kaparusahan:

Bakit iyang hangin kapagka nagmaktol

At ang sigwang bigwas ay nais manglipol

Sa buong palibot ma-kubo ma-kahoy

Ay di pinalampas ng unos-daluyong?

 

V-Kapasiyahan:

Ganyan ba ang takda at ibig ng Langit

Kung ang Kanyang likha’y bingit sa panganib?

 

Nobyembre 13, 2009

UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: