Ipinaskil ni: Raul Funilas | Nobyembre 11, 2009

Pag-apaw ng Lawa ng Laguna

Sa lupa’y may bundok ang tubig may agos,

Papawiri’y ulap suwag ng habagat;

May bangkang ‘binuyog yayao sa laot

Dala-dala’y lambat nitong Maglalayag.

 

Ganyan ang tanawin sa isla ng Talim

Sa lawang Lagunang tanawi’y kayganda,

Matamang suyurin ng inyong paningin

Ang Susong Dalagang kay-tayog talaga.

 

Ngunit pag nagngalit ang rilim ng langit,

Sa bundok matayog ula’y ibubuhos;

Babaha ng putik sasanib sa banlik

At maghihilamos kami ng himutok.

 

Kapagka umapaw itong kalawaan,

Kaming taga Talim ay dahop mamuhay.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: