Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 27, 2009

Panandang Kurus

Sa himlayang moog na sadyang nililok ng isipang uhaw

Ako maagnas hanggang sa sumapit ang Hukumang Banal,

Pakatandaan mong hindi malulusaw imbing pagmamahal

Na inukol sa ‘yo noong ang puso ko’y di pa namamatay.

Lamang, ang hiling ko’y dalawin mo lamang ang puntod kong singaw

Ng sangkalupaang bawat mangingibig pag-ibig ay lantay.

 

At sakaling iyong makitang may lumot ang moog kong puntod,

Iglap mong likumin at saka ipahid sa panandang kurus.

 

Oktubre 25, 2009

Sa Punturan ng Pag-ibig

Hardin ng Diwata

UP-Diliman


Responses

  1. Laking gimbal ko nang huling dumalaw
    Sa puntod mo, giliw, at akoy naluksaw
    Walang panandang kurus akong namataan
    Inanod na yata ng bahang sukaban
    Tanging alo ko sa puso’t kalooban
    Alaala mo’y naging pataba ng sangkalupaan.

  2. ang lalim naman ng mga katagang ginamit mo… hehehe


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: