Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 25, 2009

Titig Sa Tubig Ng Langaylangayan

Mas may nasisila ang langaylangayan

Kapag ang tubig ay maalimbukay.

Masigla itong lumilipad pailanlang

At umaapupa sa hanging amihan.

 

Sa pagtiyad at paggulong ng alon,

Sa sandaling may mga pulutong

Ng bangka ay galahid na sinasaoy

Ang lunas ng agos na dumadaloy.

 

Titig at paligsahan silang dumadagit

Ng isdang lumulutang at humihigit

Ng hininga sa rabaw nitong tubig

Na hinihiwa ng bangkang mabilis.

 

Tuwinang sila ay mangabubusog—

Ang dadapua’y mga tulos sa laot.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: