Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 25, 2009

Halina Sa Pulo Ng Talim

 I

Halina at inyong dinggin,

Tanging handog kong awitin;

Patungkol sa pulong Talim

Paggaod ninyo ay itigil.

II

Sa pagbaba nitong amihang

Nanggaling sa kabundukan,

Masigwang hangi’y asahang

Hahaguri’y kalawaan.

III

Halina tayo sa isla

Nitong Talim na kayganda,

Sisirin nati’y pag-asang

Sa lawa lang makikita.

IV

Iba naman ang habagat

Mabagal ang kanyang usad

Sinasabukay ang dagat

Upang ang alo’y tumiyad.

V

Halina at ating dam’hin

Nagsasalimbayang hangin,

Pamukaw sa paninimdim

Nitong pusong maramdamin.

Oktubre 25, 2009


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: