Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 24, 2009

Lawa Ng Laguna Ang Bimbinan Ng Baha

Baha! Baha! Baha! Saan ka nagmula?

Ragasang dumaloy sa ilog at sapa,

Ikaw kaya’y gawa’t mali nitong madla

At bimbinang takda’y ang Lagunang lawa

Na lubog sa hirap at pagdaralita?

Ngunit bakit nga ba ngayon kung bumagyo’y

May tiplag at takot ang maraming tao?

Ang haka sa bagyo ay isang delubyo

At pagdalaw nitong sanlaksang dimonyo.

Di kaya nagkulang ang ating gobyerno

Nang ipamahagi’t ibenta sa tao

Ang paranga’t bundok? A…tulog siguro

Itong Hesukristong naroon sa karo—

At bulag pa itong pupong Diputado,

Bingi naman yaong nasa sa Senado.

Dati na ang bagyong may haplit ng tuwa,

Dumi sa paligid ay sinasalasa

Upang mabanlawan alabok sa lupa’t

Paghinga ng tao’y malayang malaya.

Oktubre 24, 2009

Sa laot ng isla ng Talim

Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: