Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 23, 2009

Kaming Kayumangging Kaligatan (Taga-ilog)

Kaming kayumangging kaligata’y

Sunog sa araw ang balat,

Laong sa laot lagi nakatanaw.

 

Ang paang walang saping

Namumutok sa lipak

Sa pananalisod ng kantuni sa puting buhangin.

 

Sumususog ng sanrekwang pangangahig

Sa patuto ng bakekong

Na may Tigmamanuking nakatitig

 

At tinatarol ang igpaw ng isdang

Humuhugot ng sariwang hangin

At dumadayaw ng babala.

 

Subalit ang puso’y tapat

Sa pag-ibig—bumubukal

Na ilog na ang linaw ay walang pagkupas.

 

Sa balitangan ng Pingkian at Batsong

Byg. Habagatan, Binangonan, Rizal

Sa pulo ng Talim lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: