Ipinaskil ni: Raul Funilas | Oktubre 14, 2009

Pagdating Ng Rilim At Salamisim

Namumuong rilim at hanging habagat,
Kapag nagkayakap tiyak ikakalat
Ang ulang kinandong na buhat sa dagat;
Lulusong sa bundok palikaw-banayad-
Magtitipon-tipon sa Dam na malawak.

At kapag apaw na ang reserb’wang tubig,
Namahala sa Dam tanaw ang panganib;
Kagyat mag-uutos: “Tungkabin ang pinid
Ng pintuang moog!” Delubyo’y sasapit.
(Bayan ko’y mag-ingat at kahindik-hindik.)

Dambuhalang dundong ang biglang huhugos,
Ang papalimpingi’y ang tahana’t ilog
Nitong tubig-bahang hindi nagpatulog
Sa may salamisim na kalunos-lunos.
(Walang nakahumang damakmak ang birtud.)

Nang tamaulian laksang taong baya’y
Kayraming naglutang malamig na bangkay.

Awit Pantubigan ni Tata Raul


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: