Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 17, 2009

Waterliling Pag-ibig

Parang waterlili ang aking pag-ibig.

Naroong maglayag sa hugos ng tubig,

Kung minsa’y sa gaong sumadsad-tahimik

At doon hahabi matimyas na awit.

Subalit paghugong ng amihang bundok,

Kabuntot ang ulang ulap ang nagbuhos;

Tiyak na gigimbol sa daloy ng agos

At patutunguha’y ang pusod ng laot.

Sa salikwang hanging buyog ng habagat,

Asahang babalik sa lungkii’t lambak;

Hagod nitong alo’t sa wawa’y ihampas

At ang kalungtia’y doon mababangas.

Paghupa’t pagkati ng ragat-aplaya,

Sa banlik at lablab puso’y nagdurusa.

Sa laot ng Malalim na Sapa

Bgy. Ginoong Sanay, Pulo ng Talim, Binangonan, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: