Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 17, 2009

Panuntunan Sa Buhay

Kung minsa’y may tudyo ang pungas ng araw
Kahit saang dako’t lamang sa lansangan,
Tulad sa nangyari nang ako’y mawalan
Ng pera’t nagipit sa matrikulahan.

Nang aking ihakbang ang kaliwang paa’t
Hihiram ako’ng jeep sa mahal kong kuya,
Ako’y pinagbigyan kay-s’werteng talaga—
At malulunasan ang perang problema.

Naka-ilang ulit akong nagpasikot
Sa mga lansangang ulap-alikabok,
Nang ako’y pituhan ng pulis na hayok
At ang lisens’ya ko ang ipinadukot.

Ako’y naki-usap kunwari’y may hapis:
“Naku! Maawa po… O, kay-poging pulis,
Ang akin pong misis kagampan at buntis;
Kaya patawari’t ako’y maka-alis.”

Ngumisi ang pulis abot hanggang tenga’t
Tinugon ang usal at ang ibinida’y:
“Igan may tuntunin akong dinadala
Kung ang unang hakbang nitong aking paa’y

Una ang kaliwa’y hindi nalalagyan,
Ikaw’y pasalamat nauna ang kanan
Kaya ang hiling mo’y aking pagbibigyan;
Magkano ba Igan ang kayang ilagay?”

Sa outpost ng Cainta Junction
Cainta, Rizal


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: