Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 16, 2009

Sa Pagbukad At Pamamagaw Ng Hiraya

Kapag ang hiraya’y unting bumubukad

At hindi nangiming ipakitang lahat,

Huwag sasanggahi’t ang guhit ng palad

Ay kanyang asintang ang sinta’y mayakap.

At kung marinig n’yong matinis ang himig,

Ay paka-asahang may tugong pag-ibig;

At sakaling bahaw at pagaw ang boses—

Tiyak na umalpas sa loob ng dibdib.

Kapag ang hiraya’y wala ng aging-ing,

At sibsib ng gabi ang pinapalimping;

Asahang nahapo’t humapon sa dilim

Ng inalibutdang hapay-takipsilim.

Bakit ang hiraya’y minsang mapagbiro

Sa bukangliwayway na tudla ng puso?

Hardin Ng Diwata

UP-Diliman


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: