Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 15, 2009

Tubig at Langis

Laging nagdarahulap ang iyong libong pangarap,
Ngunit nagpapakatayog ang aking panaginip;
Hindi man kailanman magbubuklod ang lawak
Ng iyong mga pangarap at ang aking panaginip–
Dahil magkaiba ang ginagalawan nating mundo.

Ikaw na ang retina ng mata’y mulat at kumukurap,
Samantalang ako’y malaong himbing ang idlip.
Ngunit kailanma’y hindi pumikit ang pagsulyap
Sa iyong mataas na pangarap at laksang pananalig,
Ganyan ko minamasdan ang iyong buong pagkatao.

Tayong maritatas ng kaligirang kinandong ng lupa
At ginatungan ng matinding sinag ng nagbabaga
At naglalakbay na araw ay kapuwa mulagat-tulala
Kung kailan matutupad ang ating munting pag-asa,
Ang magsanib ang linaw at lapot ng ating pag-ibig


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: