Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 15, 2009

Ang Bayan Ko (Kapag Tulog Ang Diyos)

Malaon nang humiwa

Sa dibdib ko ang awa.

At hindi matingkala,

Nagaganap sa bansa.

Nang kidlat ay kumudlit,

Sabay ingit ng langit;

At masid ang gumuhit

Na laksang alumpihit.

Ngunit hindi natinag

Ang kulog na palangas,

At hakhak-humalakhak

Na kayakap ang ulap.

Habang himbing matulog

Ang buktot na balakyot,

Kaydaming naghahambog

Sa bayan kong busabos.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: