Ipinaskil ni: Raul Funilas | Setyembre 5, 2009

Pag-ampat Sa Pusong May Sugat

 Nilimas kong lahat laman ng ‘yong dibdib

Subalit ang lunas* walang pagkasaid

Laging tumatagas ang impit na hibik

Kaya ang puso mo ay tigib ng hapis.

(Kaya ang anas ko’y muli kang umibig.)

 

Tumitig ka sa ‘king malamlam na mata’t

Lihim na anino’y iyong makikita,

Subukang malasin kung merong pagsintang

Ang bulong na sigaw ay lagyang pag-asa.

(Daratal ang araw puso mo’y tatawa.)

Sakaling puso ko ang iyong hinimas

At binigyang pansin, kaylaking pakultad—

Hayaang magtimbol sa pusong malawak

Upang ang dibdib mo’y maampat ang tagas.

*gawing ilalim


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: