Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 28, 2009

Paglilok sa mga Pambansang Alagad ng Sining

Busto ni National Artist Edith L. Tiempo

Iginayak ako’t isama nina Ser Vim Nadera at Gng. Eva Garcia Cadiz papuntang Bulakan noong nakaraang Martes. (Agosto 25, 2009.) Sila ang naatasan ng UP Likhaan at ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) upang mangasiwa sa pagpupugay na gagawin sa limang (5) Pambansang Alagad ng Sining na sina Edith Lopez Tiempo, Jose Sionil, Bien Lumbera, Virgilio S. Almario at Romero sa kani-kanilang bayan.

Halintulad nang ginawang pagpupugay kay Edith L. Tiempo sa Bayombong, Nueva Vizcaya kung saan iginawa ko ng isang busto sa delantera ng Guest House ng Nueva Vizcaya State University. Pinuntahan namin ang Kapitolyo sa Malolos upang kapulungin ang Gobernador kung saan napagkasunduang tunguhin ang bayan ng pupugayang si Virgilio S. Almario aka Rio Alma sa San Miguel Bulakan.

 Busto ni Nat'l Artist Rio Alma in-progress

Busto ni Nat'l Artist Rio Alma in-progress

Sinalubong kami ng mga taga munisipyo at kinausap namin ang namamahala sa Arte at Kultura ng bayang San Miguel upang ilahad ang mga balakin sa pagpupugay sa Pambansang Alagad ng Sining sa Literaturang si Rio Alma na anak ng San Miguel Bulakan na gaganapin sa Setyembre 29, 2009.

Hindi naglipat oras at nakuha lahat ang datos na gagawin pati na ang pagtatayo ng isang rebulto ni Virgilio S. Almario sa harapan ng kanilang  Aklatang  Bayan at ito’y babaguhin at ipapangalan kay Virgilio Almario. At napagkasunduan ding ito’y ihaharap sa session ng Sangguniang Bayan sa lalong madaling panahon.Rio Alma bust near completion

Tata working on Rio Alma-bust

Rio Alma golden bustRio Alma bust-first coating

Kasalukuyan kong nilililok ang busto ni Rio Alma at kung papalarin ay muli na naman akong makapagtuturay ng isang bantayog na ambag na eskultura ng isang Pambansang Alagad ng Sining. Ang totoo’y nalilok ko na ang isang busto ni Rio Alma na kasalukuyang nasa Law Office ni Atty. Redemberto R. Villanueva na patron ko sa aking mga lilok.

 At sa susunod na buwan ng Oktubre ay sa Davao naman pupugayan si Pambansang Alagad ng Sining sa Literaturang Bienvenido Lumbera at ang muli kong dasal : Sana’y akong muli ang maatasang lumilok ng isa pang dakilang kinikilala sa larang ng panitikang Filipinas. Agosto 28, 2009


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: