Ipinaskil ni: Raul Funilas | Agosto 5, 2009

Ulinigin Ang Huling Tunog Ng Tambuli Ng Babaing Mandirigma

Ang huling tunog ng tambuli

Ay badya ng matagalang paghimbing

Sa sinapupunan ng Panginoon.

 

Sundalo kang hindi tumunog

Ang panganib at buga ng tinggang apoy

Sa digmaan ng katotohanan.

 

Ang kislap ng butil ng Rosaryo

Ang bumulag sa mata ng kadigma

At nagbukas sa daraanan ng laksang nananalig.

 

Ngayong himbing na ang hininga ng Mandirigma,

Huwag nating hayaang makupot ng kadigma ang makipot

Na landas na kaniyang tinahak.


Responses

  1. Tá, marami nang nag-alay ng tula kay Tita Cory pero natatangi ang iyong tula… Ihahanay ko ito sa tula ni Bobby Añonuevo na “Corazon”… magaling!

  2. Maligayang kaarawan, Tata Raul Funilas… congrats sa bagong lilok na bantayog ni Edith Tiempo. God bless you always.

  3. Bagaman hindi ko nakita sa tula mo ang babaeng mandirigma, binabati pa rin kita ng maligayang kaarawan. Isang tagay sa iyo, kaibigan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: