Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 31, 2009

Sulyap Sa Puntod

Sa himlayang ito ilalagak ang aking bangkay.
Hayaan ninyong matungkab ang kanilang libingan,
O, Bathalumang  lumilipad sa bunying kalawakan;
Walang nakakayang makaampat patungong kanluran
Itong buhay. Hindi mabagbag ng asarol ang lupang tigang—
Nasaan ang hanggahan ng gubat na kanilang hinimlayan?
Gaano man katagal maagnas ang katawang himaymay,
Daganan  man  ng palanas ang kanilang kalungkuta’t
Eklipsing magsalimbayan ang patak ng luhang bumukal,
Ako ang nilalang  ng Bugtong na Anak ng sanlibutan;
Dahil nakasalalay ang wakas sa ginawa kong kasalanan.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: