Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 31, 2009

Pangungulila Ng Mata Ni Ama

Ang mata ni ama’y pananda ko’t oras.
Kapag humalakhak ang kislap ay pilak,
Kapag naninimdim, tatanaw sa lawak;
At kapag nagalit ay bolang madilat
Lalo’t naglilikot ang balumbong utak.

Malamlam ang galaw kapag nag-uutos,
Pikit at yukayok* kapag inaantok,
Malikot ang ikot kapag natatakot;
Tatakpan ang isa kapag nanunubok
Sa laot ng tudyong nakagigiyaot**.

Pag mayroong lihim, pikit kung magmasid,
Sulimpat ang tingin pag lango ang isip;
May sabik ang kurap kapag naka-ibig,
Puting-puti naman kapag nakalangit
Ng ligayang dulot sa limbong daigdig.

Mata ko’y ulila sa mata ni ama,
Nang higiting hirap ang huling hininga.

*nakatungong nag-aalimpungat
**kiliti, gilawgaw


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: