Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 31, 2009

Makatang Sampay Bakod(Sa Hulihan Ng Mga Dakila)

Nang minsang umakda ng sanlaksang tula,
Itong Rio Almang dakila’y namangha;
Kagyat pang nagwika: “Di ako hahanga!
Dahil ang likha mo’y kay Anonuevong diwa.”
(Subalit ang mata sa tula ko’y luwa.)

Maging sina Teo, Coroza’t Nadera,
Bawat balagtasan ako’y itsap’wera;
Lalo’t may nude painting ng isang dalaga
Doon sa may Timog. Tula ko’y pakanta.
(Kaya’t tumatawa si mang Bien Lumbera.)

Higit sina  Rillo, Dan Pinto’t Jun Balde,
Si Joey Baquiran at Kilates Marne;
Pawang dalubhasa sa sining at arte’t
Akong sampay bakod kapag nag-inarte.
(Kanilang palakpak ay nakabibingi.)

Hindi nagpahuli babaing makata,
Rose, Gaying, Joi, Becky, Bebang na diwata;
Ang akin daw tula ay laging may luha
Kaya araw-gabi ako ay tulala.
(Ngunit may gilawgaw sa tula kong akda.)

Hasa at matalas sa lidyong nanudyo,
Dahil ang gasanga’y bao ni Almario’t
Imaheng nilasing kumpadreng Anonuevo;
Kaya napalipad personang may trono.
(Sa kampay ng tagay ng basong antigo.)


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: