Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 23, 2009

Alalahanin Mo Lamang

Sa batis ng aking malawak na ilog,

Ikaw’y magtampisaw o mutya kong irog;

Doon ay magtimbol sa punong naanod

Mukha mo’y naroo’t t’yaga kong nililok.

 

Kung iyong mamasdan ang linaw ng tubig,

Doo’y makikita ang kaakit-akit

Na iyong larawang aking iginuhit

Na ang gunita ko ang gamit kong lapis.

 

Tingnan mo ang banig nitong kalangitan,

Mababanaag mong merong nakatanaw;

Giliw ako’y yao’t ikaw’y binantayan

Upang di mabuwal sa ‘yong daraanan.

 

At kung natisod mo’y matigas na bato,

Yakap ka na mahal ng palad ko’t braso.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: