Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hulyo 17, 2009

Nang Sisirin Ko Ang Laginlin Ng Lawang May Tabsing

Datirati, walang mintis ang pagbato ng aking pasibok

sa kabo ng dalag sa lawa; ngunit kahapong pumalaot

ako’y halos isang dipa ang layo nang pinawalang tingga

at wala ng ingay ang rabaw ng tubig ng libong biyaya.

 

Nang ihagis ko ang lambat at ipinasikang ng siko’y

kumabyos at hindi na nakuhang bumilog. Hindi ko

na kabisado ang dating palakayang nagpataliptip

sa aking katawan. Malungkot akong nag-iisip

Nang bumalik sa dalampasigang pinagbunsuran

ng lunday. May lihim akong mga katanungang

napakaraming kasagutan. A, matagal na pala

akong nawala sa makasaysayan naming aplaya.

 

Bukas, susubukin kong sumisid sa dakong ilalim

ng lawa at aalamin ang laginlin ng lawang matabsing.

 

Hulyo 17, 2009

Sa aking Galeriya


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: