Ipinaskil ni: Raul Funilas | Hunyo 1, 2009

Nang magkurus ang aming landas ni Pres. Magsaysay

060120091332Hindi magkasya sa isang bukot kong kasiyahan ang muling pagtawag sa akin ng pangulo ng UERM na si Dr. Divinagracia kasama ang kanilang head ng Library na si Madam Julie M. Noces upang muling magpalilok ng walong pulgadang busto ni Pangulong Ramon Magsaysay kung saan may pirma ni Pres. RM at naka-ukit ang ika-limampu’t dalawang taong pagkatatag ng UERM at ang paghawi ng tabing sa nililok kong 9 na piyeng rebulto ni Pangulong Ramon Magsaysay.

Mula sa 3 piye at kalahating rebulto ay muli akong pinalilok ng walong pulgada na makikita sa larawan sa itaas. Marahil, ito na ang aking huling lapida sa larang ng paglilok dahil malamang na ang kiling ng araw sa aking kanluran. Sa Hunyo 15, 2009, hahawiin ang telon upang makita ng madla ang nasabing rebulto ni Pangulong Magsaysay na may kalakip na Credo. Pangungunahan ng may-ari ng pamantasang si G. Lucio Tan, Senador Ramon B. Magsaysay Jr., Mayor Sonny Belmonte at marami pang malalaking pangalan sa larang ng akademya ang napiling maghawi ng telon.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: