Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 31, 2009

Black is a Color

Maghuhurnal lamang ang inyong lingkod hinggil sa katanungang: “Is Black a Color?”

Ako ay naniniwalang ang itim ay isang kulay.

Inabot at nakita ng bubot kong diwa kung paano gumagawa ng kulay ang aking lelong noon.

Isang manlalayag sina lelong at ama sa lawa ng Laguna at isa ring mamamalakaya, sari-saring pamalakaya ang ini-uumang nila sa lawa kung saan pawang isdang tabang ang nadarakip o nahuhuli’t sumasalabid sa palakayang, kitang, pante, sakag o suro, salap, alig, bumbon, pukot, dala,bubo,baklad, patukba, biwas, galay, sapo, takilis, panloob, bukatot,kahig, parukot, salapang,sikit, at iba pang nausong panghuli ng isdang tabang sa lawa ng Laguna.

Kapag panahon ng tag-amihan o kaya ay kawiting palakol, ipinapari-asta nilang makulayan ng alilina o kaya ay dampol ang kanilang pang-umang na ginagamitan ng lambat.

Madali lamang gumawa ng kulay sa punong Dampol, tinatabtab ang banakal ng mandipa at ginagayat ng mandangkal kapag pakukuluin sa isang kawang nangangalahati sa tubig. Humuhulas ang katas ng dampol kapag nakadama ng init at dito itinutubog ang mga lambat upang magkulay pulang mahalay. Sinasabing malagkit ang isda sa lambat kapag nakulapulan ng katas ng dampol dahil nararahuyo ang mga isda sa amoy ng katas ng dampol.

Ganoon din sa mga sinaunang damit na de-asintos o kaya ay mga kamisola, ginagamitan ito ng mga ginagawang alilina na nagbuhat sa mga katas ng bungang kahoy tulad ng bitungon, bignay, duhat, himbabao, tabugong, bitaog at maririnding kulay ng bungang kahoy.

Gumagamit din sila upang makalikha ng kulay sa pamamagitan ng putik, luwad, pikat, palanas, asupre, at lahar na ang ginagamit nilang pangatas ay ang bumabalong na mainit na tubig galing sa isang bukal.

Subukin ninyong maglatag ng isang ubod lapad na tela okaya ay papel na puti ang kulay at bahiran ito ng isang maliit na tuldok at makikita mo ang sinasabi kong itim na kulay. Hunyo 1, 2009 Tata Raul Funilas


Responses

  1. Umiral na naman ang iyong pagkamangingisda na makata. Ang lalim ng paliwanag mo, di ko maarok.

    • Hehe, salamat pare, ikaw kasi ang “idol” ko, hehe… pati sa pagpapapogi. Pwede rin ba itong ikabit sa dakilapinoy mo?May bagong mga pictures sa eskultula (blogspot) ko. Baka gusto mo rin silipin.

      Salamat muli.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: