Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 28, 2009

Walang Kikibo! Diyos ang Hihipo! (Iba-ibang Panahon Hinggil sa Kalaswaan)

Maraming nagtanong sa akin na: Kung daw kayang uso na noon pa ang mga sex video higit noong panahon ng matatalim at nakatatakot pa ang kidlat, baka daw kahit sina Rizal at Bonifacio e mayroon din silang sex scandal. Ngunit iba ang kanilang panahon, may koronang pinanghahawakan kapag nakasalalay ang pagmamahal.

Kaniya-kaniyang panahon. Noon, sinasabing sinasapian o inaalihan ng masamang espiritu ang isang babaing nagwawala sa kadahilanang hindi niya matanggap ang sinapit na dagok sa buhay. Halimbawa na lamang ng kuwento ni lelong. Maraming herbalaryo o albularyo ang tumingin sa kapitbahay nilang dalaga dahil sa araw at gabi’y sumisigaw nang hindi mawawaang sigaw, maraming tawas ang nilunod at sinunog sa batiya at sa kandila subalit laging bigong magamot ang “inaalihan” ngunit ang katotohanan daw noon ay ginahasa pala ito ng kaniyang bayaw o kaya ay kapitbahay. Kasabihan nga e: “Walang kikibo at diyos ang hihipo!”

Sinasabi ring sa pamimintana ng isang manang at nakita mong ubod tamis ang ngiti sa mga nagdaraan, kuwidaw ka at pakaasahan mong may kumakalantare sa kaniyang likuran. Ganyan nila pinaaalpas ang kanilang makamundong pagnanasa.

Subalit ngayon, hayagang ipinamamalas ng kulumpong may ganireng kaalibadbaran ang kanilang panahon sa larang ng seksuwal na labanan.

Tula nang tula!

Tata


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: