Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 27, 2009

Sina Rizal at Hayden Kho Jr.

Isang malapad na naga ang laging bumabalintataw

Sa aking diwa kapag nakababalita ako ng aswitan,

Maging ito’y sa bukambibig o kahit sa bulungan

Ng mga daldakino’t taratitat na nagtatalakan.

Inukit ito ng isang Pambansang Alagad ng Sining

Na di lang miminsang binataris upang hiramin

Ang aking talento sa larang ng pag-ukit na buong lambing

Niyang sinasabing para sa ating bayang ginigiliw.

Nakababaliw ang imahen nina Josephine at Rizal

Na habang nakahigang sila’y nagkakantutan

Ay hindi inaalis ni Rizal ang isang panulat na tangan,

Habang sila’y nagkakandia’y ang pagsulat ang laman

Ng isipan ni Rizal. Kahapon, napanood ko ang video

Ng kandiang naiplanong magaling ng simpatiko’t gigolong

Si Hayden Kho Jr, kapareha ang dalawang pamosong

Artista. Naisip ko lang, hindi kaya si Rizal di’y naiplano

Ang ginagawa niyang pagkandi kay Josephine Bracken

At isinusulat ang bawat pagkanyod at idinudokumento sa papel?

Ay buhay! Kahit noon at ngayon kung ating pakatutuusin,

May mga katanungang minsa’y…nakababaliw at naka-aaliw.

Mayo 27, 2009

University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center

# 64 Aurora Blvd. Bgy. Dona Imelda, Quezon City


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: