Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 18, 2009

Bantayog ni Pangulong Ramon Magsaysay

Mayo 5, 2009, halos kalahating oras kaming naghintay sa anak na senador ni Pangulong Ramon Magsaysay upang ipakita at ipa-approve ang ginawa kong halos apat na piyeng marmol na rebulto ng kaniyang amang si Ramon Magsaysay kung saan ako ay ikinomisyon ng UERMMMCI na lumilok na nasa kahabaan ng Aurora Blvd sa QC. Ilang palitan ng text ay natunton agad nila ang lugar na kinalalagyan ng rebulto.

Nang dumating sila’y dalawang sasakyan kasama ang mga opisyales ng pamantasan at unang bungad nang makita ni Senador Jun Magsaysay ay: “Pogi ang tatay ko!” Halos tumangos ng tatlong beses ang ilong ko sa tinuran niya. Ilang palitan ng kuro-kuro ay nagkasundo kaming imolde na ang nasabing rebulto upang mailagay sa pedestal nitong kalalagyan kasama ang Credo at lagda ni Pangulong Ramon Magsaysay na nakaukit sa Romblon marmol slab.

Bago umalis si senador Jun Magsaysay ay nag-iwan siya ng isang librong anekdota na likha ni G. Jess Sison kung saan naging “close in reporter” ni Pangulong Ramon Magsaysay noong panahong siya ang pangulo ng bansa. May paunang salita si Madam Carmencita Guerrero Nakpil ang nasabing libro na may pamagat na Magsaysay is my Guy.

Binigyan ko rin si senador ng aking librong Halugaygay sa Dalampasigan at parehas naming nilagyan ng mahalagang mensahe pati ang bigay niya sa aking libro hinggil sa mga naging buhay ng kaniyang ama sa Malakanyang.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari na ako ang nabigyang pakultad upang ililok ang isang dinakila ng bansa sa pagiging tapat sa tao, may takot sa Diyos, at iginalang din maging sa ibang panig ng mundo. Halos ochenta porsiyentong tapos na ang proyekto at bago magkatapusan ng Mayo 2009 ay makikita na ng madla sa kalalagyang pedestal ang nililok kong rebulto na marahil ay siyang magiging silbing lapida ko sa larang ng eskultura sakaling maaga akong kunin ni Lord.

Sa ika-15 ng Hunyo 2009, hahawiin ang tabing ng rebulto sa ginawang makabagong Hardin ng UERM at ikinararangal kong maging bahagi ng isang kasaysayan sa Lupang Hinirang at mabilang sa mga matatayog na pedestal ng arte ngunit naroon pa rin ang baling ng aking paningin sa mga kasama kong minsa’y tinaguriang mga “Alilang Kanin.” Mayo 19, 2009


Responses

  1. Talagang bilib na ako sa iyo sir. Hindi biro o tsamba ang maikomisyon sa iyo ang paglililok sa rebulto ng dating Pangulong Ramon Magsaysay Nakatakda ang lahat ng bagay at ito ay talagang para sa iyo. – jess(KWF) Hihirit lang ako sir, baka naman puwede maanyayahan ninyo si Chairman Joelad Santos ng Komisyon sa Wikang Filipino sa paghahawi ng tabing ng rebulto ni Pangulong Magsaysay sa Hunyo 15, 2009 sa UERM, Auroro Blvd., Q.C. pakisama na rin ninyo ako. maraming salamat.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: