Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 14, 2009

Pagdating Ng Sugo

Isang matalas na atas ang nagbadya
Sa sugo upang mahango ang bayan sa dusa.
Marami itong habiling lipos malalalim
Ang nais:” Bago magtakipsilim,
Lumilok ka ng mga bulaang panlalansi
At ikulapol ito sa kabuuan ng sarili.
Aranyahan ng huwad na maang-mangan
At bulungan ng laksang tanong na walang kasagutan.
Magtatag ka ng isang tanghalan ng pagkukunwari
At doon manlinlang sa mga naghaharing uri.
Sa sandaling nakuha na ang kanilang simpatiya,
Hugutin ang nakasuksok sa dibdib na espada.
Unahing pulakin ang ulo ng pinakamasamang pinuno
At ibando sa madlang bayang dumating na ang sugo.”
Mayo 15, 2009
Sa Kahabaan ng Komomwelt sa may Sandiganbayan
Tata Raul Funilas
Manggagawa sa Pamantasan ng Pilipinas
Mangingisda sa lawa ng Laguna
Eskultor tuwing takipsilim
at Mangingibig pagsapit ng bukangliwayway.
Limot na kasama ng mga sumigaw nang:
Makibaka! H’wag Matakot!
Noong Unang Sigwada ng Pakikibaka sa UP-Diliman.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: