Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 14, 2009

Nang Hugutin Mo Ang Unang Buntunghinga

Dalawang taon na palang namayapa ang ama.
Hindi ko alam kung bakit agarang sumama
Sa iyo sa amuking ibibili natin ng medisina
Ang ama sa botika nang palitan kita sa manibela.

Nang makabili tayo’y tinanong kita:Gusto
Mong magpahinga sa malamig na kuwarto?
Wala kang isinagot kundi isang tuksong
Ngiti.Kapuwa tayo lastag sa kuwadradong

Mundo ng mga katanungang wala kang sagot
Kundi: Kaarawan ng asawa ko ngayon. Hugot
Sa ilalim ng dibdib ang hingang idinulot
Ng isang kapasiyahang sa akin mo inihandog.

Dalawang taon na palang namayapa ang ama,
Sana, matanggap niya ang nagawang pagkakasala.

Mayo 14, 2009

Sa Munting Galeriya


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: