Ipinaskil ni: Raul Funilas | Mayo 10, 2009

Gaong*

Dating labangan ng tubig at himlayan nitong agos,
Natimbon ang laksang layak kupkop ng iwing alindog;
Hanggang ito’y mangayakap at sa dibdib ay nabulok
Naging gilik, naging putik ang dito ay nanga-anod.

Nang lumurok ang tag-ulan bumaha ang mga batis,
Yumakyak ang yutang bato at buhanging makikinis;
Hanggang itong pamugaran at labangan nitong tubig
Ay nagsanaw at naiga lumitaw ang isang bukid.

Sa pagsikal ng panahong sumisigal, nag-iilat,
Pumalumpong sumusupang ang hasik ay humihilab;
Matatabang gintong uhay at butil na kaysasarap
Nitong aning nagbubuhat sa gilik at buntong layak.

Wala na ang lumang gaong sa lungki ng sintang wawa,
Mulang dumagsa ang taong nangailanagan ng lupa.

*Ayon kay Bb. Generosa “Inang Pilising” de Guzman Marcelo 90 edad, tubong Bgy. Binagbag, Angat, Bulakan ay isang lunan na dating tubigang natitimbon ang mga kuyagot o dumi at nang lumaon ay naiga ang tubig. Tuwing tag-ulan ay ginagawang taniman ng palay kung saan ang inaaning butil ay lipos pagkasasarap.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: