Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 30, 2009

Makabagong Plus-Santurium at Santisimo (Dasal ng Manggagawa)

Mabuhay ang mga Manggagawa!

Mamatay ang mga lumikha

Nitong kahirapan at pandarakma

Sa kaban at huklubang banga

Ng ating mahal at namulubing bansa.

Kunin nawa ng ating Panginoon

Ang mga taong nangulimbat ng milyon

Sa mga proyektong kanila raw ukol

Sa bawat siyudad, bayan at sa nayon

Na ang mga tirahan ay palasyo’t mansiyon.

Ikadena ang mga dayukdok

Na sa kababaya’y nagrecruit

At nameke sa mga kahinlog

Nating manggagawang nahukot

At nahaling sa kislap ng abroad.

Barilin sa pinagbarilan kay Rizal

Ang mga pulitikong bangayan nang bangayan

At walang inaatupag kundi ang susunod na halalan,

Ang pinakapogi ang unang ihanay.

Ihulog sa matarik na banging may ahas

Ang mga kunwari ang hangad

Na hanguin ang bayang nasadlak,

Kunwaring prinsipyo’y akibat

Ngunit ang tunay na kalooban ay hungkag

At salat sa katotohanang isinisiwalat

Na mga aktibistang nag-aalimpungat

Na ang mga nabalot sa katawa’y adidas,

Rayban,levis, na pawang nagbuhat

Sa malalayong bansa at ibayong dagat.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: