Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 29, 2009

Alaala ng Kitang

BABALIKAN ko ang isang nilambing ko noong araw,

Walang iba kundi itong palakaya naming Kitang*;

Maninikit nitong biya pipiliin nang mahusay

Yaong p’wedeng ipamaing sa sima ay isisingkaw.

Kitang, unang palakayang sumilang sa pulong Talim,

Bago pa man nagsilitaw ang panakag ng ayungin;

Kitang din ang s’yang nagligis ng utak kong talosaling

Upang itong kahirapa’y tugatog ang s’yang akyatin.

Tuwinang kami ni ama sa Kitang ay manunusog,

Humihilab sa gunita ang dalag na kumikislot;

Ginagaltang nitong isda ang kamay na nakulubot

Ng amang kong tuwang tuwang agad niyang sinasalok

Ang nahuling isang dalag panlunas sa aming gutom.

At kapagka nagagaid ang Kitang sa nakabuntong

Yangkaw nitong kalawaa’y ang ama ko’y tumatalon

Sa tubigang sobrang lamig upang Kitang ay IAHON.

*isang palakaya sa pulo ng Talim na mahabang letting na kurilon at bawat isang metro ay may nakalawit na sima na ang ipinapain ay maliliit na biya.


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: