Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 23, 2009

Nakita Ko Nang Sampalin Si Jose Rizal

Sa tinagal-tagal na panahong ipinagmamalaki natin ang dakilang bayaning si Gat Jose Rizal ay mayroon palang mga hindi rin sumasampalataya sa kaniya.

Karangalan kong sa pamamagitan ng internet ay nasalugsog ng pamunuan ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc. (UERMMMCI) ang aking munting galeriya upang makita ang nililok kong mga busto at pagkasunduan ng Board of Directors na ikomisyon akong gumawa ng isang siyam na piyeng bantayog ni Pangulong Ramon Magsaysay na gawa sa marmol sa kanilang bagong ginagawang hardin sa harapan ng kanilang ospital sa kahabaan ng Aurora Blvd sa Bgy. Dona Imelda, Quezon City.

Gusto nilang makita ang mga sampol ng gawa kong busto na yari sa synthetic marble kaya noong martes ng umaga (Abril 21, 2009) ay nagdala ako ng isang busto ni Rizal na may taas na tatlong piye, inilagay ko si Rizal sa harapang bulwagan at inipresenta sa kanila. Nang nasa conference Room na kami ni Chief Librarian Ma. Juliana Noces ang nauna at nang magdatingan na ang mga board isa-isa ay nagulat ako nang biglang may nagsalitang isang lalake na mukhang Kastila: “Bakit narito si Jose Rizal? Hindi ba’t si Ramon Magsaysay ang gagawin natin?” Agad akong humingi ng dispensa at sinabi kong ipakikita ko lang ang hitsura at uri ng isang synthetic marble na busto at ang available kong busto ay si Rizal na agad naman niya akong hinipo sa balikat at sinabing: “Sorry hijo!” sabay pagpakilala sa akin ni Maam Julie Noces sa mga kagalang-galang na board.

Patuloy siyang nagsasalitang pakuwento hinggil kay Rizal, maraming ibinida na ang pinakabuod na sabi’y ang mga ninuno daw niya ang sumigaw nang malakas noong barilin si Rizal sa Bagumbayan ng: Fuego!

Maaaring biro at maaaring totoo ang tinuran ng mukhang Kastilang lalake hanggang sa unang tinalakay sa agenda ang pag-aaprub ng budget at karakang masimulan urada ang proyektong ikinumisyon sa akin ng UERMMMCI.

Nang ibababa ko na si Rizal upang ako’y umalis ay nakita kong tinapik ng mukhang Kastilang lalake si Rizal sa pisngi kaliwa’t kanan at kagat labing paulit-ulit na wari mo’y pinanggigigilan si Rizal na parang bubuyog na bumubulong. Abril 24, 2009 UERMMMCI, QC


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: