Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 19, 2009

Huwag Kaming Salingin

O, Tag-an*, o, Tag-an sa laot ng Sapang

Iyong lagariin dayong taga bayan;

Dahil may balitang papuntang Bintagan

At mangamumutol ng damong kawayan.

Ay, Biya, ay, Biya sa dunggot ng Batsong,

Ikaw ay magtago sa tulos na putol;

Ikaw’y bibingwitin naligaw sa Tabon

Upang mangapawi ang lintsak na gutok.

Ayungin, Ayungin ikaw ay gumising,

Meron kang bisitang di taga Mausiw;

Huwag kang kukurap ikaw’y lalansihin

Upang ang sarap mo’y kanilang makain.

O, Tag-an at Biya matabang Ayungin,

Huwag pasasaling sa di taga Talim.

*uri ng isdang tabang na may lagare sa nguso

Abril 17, 2009

Sonetong Pantubigan ni Tata Raul Funilas

Sa laot ng Bgy. Bombong, Binangonan, Rizal

Pulo ng Talim, Lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: