Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 16, 2009

Lohiya 199(kay Rafael Palma)

Buhok na kulot ng Musang hagwis ang dahong

Itinatawing ng hangin ang lugay na hiblang

Animo’y may kulapol ng makintab na pomada

Sa lawak ng langit at tangkang umahon.

Mga ibong lumilimlim sa kaniyang sisiw

Kapag hinahampas ng hanging masigwa

At isinasayaw ang yangkaw na sangang

Nangangarap na umilanlang sa papawirin.

Habang maindayog na umuugoy paibaba

Ang nalagtas na mahibong bulaklak na maalab

Ang kulay at ibinubuyog ng nanimbulang hanging sagadsad

Sa lupa ang bulaklak sa nagbitak na lupa.

Marahan mo itong dinampot at matamang tinitigan—

Lugod na idinampi sa dibdib sabay ang papugay.

Abril 16, 2009

Rafael Palma Lodge 199

Diliman, Quezon City


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: