Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 16, 2009

La Zirod Akremes, OJ (Sa ngayong panahon)

Kung naging baril at apoy ang ibinuga

Ng aking nilabit na pluma at tinta

Sa himagsikan kong nais ay pag-asang

Mahango ang bayang nasadlak sa dusa’y

Di na nagtagal pa ang digmang pakikibaka

Sa mga kumupot sa paglayang sinisinta.

Kung tumulad ako kay Andres Bonifaciong

Laging hasa’y tabak sa init ng ulo,

Disi’y naging iglap naming naipanalo

Ang labanang mundiyal ng tao sa tao

Na ang bawat isa’y siyang natatalo,

May mang-uumit pa kayang Pilipino?

A! marahil ako ay kinapos nang tapang

Upang maging pluma’t papel ang kinalugdan,

Dahil sa panahong puso’y naninimbang

Kung kadalagahan ba o sa lungi kong bayan

Ang dapat unahin kaya ko pinagsabay

Igasang ang pluma’t imbing pagmamahal?

Kasalanan ko nga! Kalahi’y patawad

Kung ako’y binigyang halaga’t pakultad

Sa nobelang gawang tanging nagpatanyag

Upang ang dayuha’y bumali-balikwas,

Ngunit napagtantong ito ay di dapat

Dahil nang lumao’y kayo ang nakahahabag.

Kung maibabalik ko lang ang panahon,

Noong ang bayan ta’y lablab ng linggatong;

Aking huhuranin maging sampung kanyon

Upang mangapuksa ang dungguting ilong—

Siguro bayan ko hintay nating dapithapo’y

Tulad ng isang along mabangis ang gulong.

Abril 15, 2009

Daanang Kasko

Sa laot ng lawa ng Laguna

Kung saang bahagi naitapon

Ang kapaang tsinelas

Ng batang si Jose Rizal

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga kategorya

%d bloggers like this: