Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 16, 2009

Hindi Ganito Ang Init Ng Abril

Hindi ganito ang init noong isang Abril.

Ipinapayapas ng hangin ang sariwang

Hamog na nagpatihulog sa lungtiang

Dahong maagap niyakap ng simoy.

Dinama ng mainit na katawan ang tugnaw

Na bubog at nadama ang kaginhawahan.

Sangkisapmata, lumibid ang nakatutuksong

Samyo ng mahalimuyak na aakalaing bulaklak.

Humihigop ng di matingkalang pagmamahal.

At sa paghigit ng hininga upang pasukubin

Sa nangangapos na dibdib ay naaninag

Sa palad ang katangi-tanging kariktan.

Pinagsalikop na palad ang naging tanghalan

Upang maaliw ang isang damdamin

Hanggang muling bumagsak ang perlas

Na nagtanghal at tuluyang dumantay sa lupa.

Maalinsangan ngayon ang nilalagnat na Abril

Na higit ikinalubha ng paghuldo sa pintig ng puso.

May katanungang umuukilkil tuwinang

Buwan ng Abril. Kailan kaya muling babalik

At mabubuo ang isang patak na hamog

Sa dibdib ng lungtian at masiglang dahon

Na siyang tumighaw sa uhaw na damdamin

kapagka bumabalikwas ang buwan ng Abril?


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: