Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 15, 2009

Panibugho

Panibugho

Kung ang salita mo’y di makatutulong

Upang ang pag-ibig natin ay yumabong,

Nanaisin ko pang bibig mo’y matikom;

Walang paroro’nan ang ingay mo’t bulong.

Ako’y nahihintil pasaring at selos,

Ramdam ko’y wala kang sa aki’y pag-irog;

Ikaw yata’y Birheng tila may lumukob

Na isang kampanang nabasag ang tunog.

Gaano mang sakit ang aking marinig

Sa iyong tungayaw at takap ng bibig,

Elenang diringgin ang pintig ng dibdib—

Lipos pang-unawa’y aking ipapagkit

O kaya’y aluing hindi mo lang batid;

Selos ay bahagi wagas na pag-ibig.

Abril 16, 2009

Sa laot ng Pipindan

Sa gitna ng lawa ng Laguna


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: