Ipinaskil ni: Raul Funilas | Abril 2, 2009

Huwag Ninyong Sundan Ang Aking Bakas

Dahil pinaratangan Akong sa imperyo ninyo’y nag-aaklas,
Dahil ang masangsang ninyong amoy ay Aking ibinubunyag,
Dahil hinatulan Akong nagkasala sa umiiral ninyong batas,
Dahil Ako’y itinakdang sa sala ninyo’y tanging magliligtas,
Dahil nakita Ko ang pintuan ng Ama sa langit na nakabukas,
Dahil ipinutong sa Akin ang Koronang Tinik na matalas
Dahil ang ipinukol ninyo sa Akin ay malulutong na halakhak,
Dahil mabigat ang Kurus na ini-atang ninyo sa Aking balikat.
Dahil itinulad ninyo Ako sa pinakamahabang hayop sa gubat,
Dahil isanlibo’t limandaang latay ang nilikha ninyong hampas,
Dahil pinigil ninyo ang Aking Inang Birheng sa ulo Ko’y nagpupunas,
Dahil pitumpu’t limang tinik ang pumako sa ulo Kong nagsugat
Dahil ini-ahon Ko ang Sakromadero sa bundok na napakataas,
Dahil ipinako ninyo Ako sa Kurus na ang mata ay nakadilat,
Dahil kayo ang umamoy ng kasuotan ko at pinag-agawang hinubad,
Dahil nakita Kong ipinako ninyo sa tabi Ko sina Hestas at Dimas,
Dahil ang kasama ninyong si Longhino ang umulos sa Akin ng sibat,
Dahil winika Ko ang talinghaga ng makapangyarihang Siete Palabras
Dahil sa hinigit Ko ang huling hininga at karaka’y biglang nautas.
Dahil makatatlong araw mulang Ako’y ilibing ay biglang bumalikwas
Dahil kinakaon Ako ng mga Anghel upang sa langit ay umakyat.
Dahil sa mga itinakda at naganap…H’wag ninyong sundan ang Aking bakas,
Dahil wala kayong puwang sa kalangitang may pusong napakabusilak.

Abril 2, 2009
Gunita sa Araw ni Balagtas
Philippine International Convention Center (PICC)


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: