Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 30, 2009

Mahirap Pumasok Sa Opisina Ng Mga Diputado

Kahapon, isang tawag ang nagpagiyaot sa masakit kong bulsa dahil sa loob ng isang linggo mulang magsubmit ako ng proposal sa opisina ni Diputada Lorna Silverio ng Bulakan ay na-aprub na rin ang labintatlong medalyong ipinauukit sa akin.

Maliwanag ang nakatitik sa aking karag-karag na celfon: “Ser Ta, punta ka na daw sa Congress, Northwing Rm. 611 look 4 Ann at aprub na ang downpayment nung medalyon.” Sakay ng aking Honda…hehe, hindi po kotse, motorsiklo na iniwan sa akin ng anak kong nagpunta sa ibang lugar.

Alas dos nang hapon, paika-ika pa akong sinaludsod ang kongreso at sa hindi mabilang na inspeksiyon ng mga napag-uutusan lang daw e kung anu-anong abubot sa belt bag ko ang itinatanong, nagkataong may dala akong bentenwebe lagi kaya nang magdaan sa isang aparato ay nagtitinutot ang kuryat na makina. Pati mga galos ko sa braso sanhi ng pagkabangga ko e itinanong kung saan ko nakuha, nagpauna na akong may bentenwebe ako dyan. Aba, e bawal daw magdala nun at gusto pa yatang tangkiliking pansarili ang bentenwebe ko nung kuryat na tanod sa kongreso. ‘Ika ko na lang e, broder kalasag ko yan sa masamang panahon sa ating paligid, baka naman pwedeng h’wag mo nang pakialaman yan. Tiningnan ako mula paa hanggang bayag at nang makita niyang malaki ang bayag ko at medyo pilay pa e pumayag na huwag nang kunin pero iwanan ko na lang daw sa kompartment ng aking Honda.

Mataas pala ang Rm 611 at patay-kabayo akong humihingal sa pag-akyat, nang dumating ako sa aking sadya ay nagulat sila sa hitsura kong di abutin ng pinakamabilis na usa ang aking hininga at sa ilang kodang tanong ay nahulaan nilang ako ang emisaryong lililok ng ipinagagawa nilang medalyon. Nagtawahan sila dahil bakit daw ako umakyat nang palakad samantalang merong elebeytor sa gitna ng building.

Nang makuha ko ang sadya ko ay lumabas na ako at tulad nang dati, marikutitos ang mga tanod sa dinaanan kong tatlong makikipot na pintuan ng malaking gusali ng kongreso, mas matagal pa ang pagbubusisi sa mga garautan ko at katawan kaysa itinagal kong pagkuha ng aking sadya sa isang silid ng kongreso. Naalaala ko tuloy na kaya siguro napakahigpit ng mga tanod e naisahan sila ng mga kapatid nating nagpasabog sa mismong gusali ng kongreso na ikinasawi ng isang Diputado at ilang mga sibilyan na naligaw ng landas sa paniniwalang sila’y hindi na kasali sa ating ipinagmamalaking bansang Pilipinas. Tata Raul Funilas Marso 30, 2009


Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: