Ipinaskil ni: Raul Funilas | Marso 23, 2009

Handa nang Lumipad ang mga Alilang Kanin

Nagsimula ang lahat sa isang tagayan matapos ang maghapong paglililok sa isang tago at liblib na lugar sa likod ng sikat na restorang Albergus sa may Tandang Sora Lungsod Quezon.

Habang itinatagay ang isang basong nangangalahati sa lamang serbesa, nagtira ako ng ika-apat nang tinungga ko at ito’y isinaboy sa isang eskulturang imahen ng mahal na Birheng may pitong piye ang taas, dahil sa biglang pagtumba ng isang eskulturang hugis isang Padre. Napangatihan kong tudyuhin ang mga naglililok na sina Jun Vicaldo, Francis Apilis at ang molder king na si Domeng na kababayan ko sa Binangonan.

Sa pamamagitan ng pagpatak ng katas ng serbesa ay magiging matibay at di matitinag sa pagkakatayo ang eskulturang nililok, parang isang makapangyarihang tinig na isinahimpapawid ko at nagtawanan ang tropa sabay pagsang-ayon na bawat lililuking eskultura sa liblib na studio ay bibinyagan sa pamamagitan ng pagbubuhos ng ilang patak ng serbesa.

Lumipas ang ilang lingo, kinausap ako ng tropa at naglatag na baka daw puwede kaming magtatag ng grupo, iyong grupong siya talagang gumagawa ng mga imahen na ipinagagawa ng mga sikat at pinagpipitaganang mga malalaking pangalan sa larang ng eskultura, sa dahilang ang mga kumakapal ang mga kayamanan ay ang mga malalaking pangalan ngunit ang lehitimong lumililok ay naiiwannan sa kangkungang nagdidildil pa rin sa kapirasong biyayang kaloob ng mga nagpagawa. Kaya nga binansagan kong kami’y mga “Alilang Kanin.”

Si Jun Vicaldo ang naka-isip ng ideya dahil sa karanasan niya sa mga kasamahang walang pagsulong ang buhay ngunit ang mga nagpapagawang malalaking pangalan ang tumatanyag at yumayaman.

Kahapon, ikadalawampu (20) ng Marso, sa pamamagitan ng isang masaganang hapunan sa likod bahay ng aming liblib at maliit na studio (likod ng Albergus Restaurant) ay naganap ang isang pagpupulong kung saan dinaluhan ng kung tawagin ay mga “Alilang Kanin.” Ako ang tumayong tagapagsalita upang itatag ang grupong tinawag naming “Patak2.” Masigabong palakpak ang tinatanggap ng mga ini-iindorso para maging pamunuan at ang mga nahalal na mamumuno ng grupo ay ang mga sumusunod:

Pangulo Priscillano “Jun” Vicaldo Jr.
Pang. Pangulo Raul “Tata” Funilas
Kalihim Doreen Gutierrez /Nars Lagumbay
Ingat-yaman Francis Apilis
Tagapag-ugnay Merlito “Nonoy” Gepte
Tagasuri Domingo “Domeng” Soldao / Ronel Roces

Nailatag ni pangulong Jun Vicaldo ang mga layunin at adhikain ng grupo, ang pinakasentro ay ang tulungan ang mga kasamahang may kakayahan ngunit kapus ng panggastos sa kaniyang ginagawa at bigkis-bigkis na magtulong-tulong para sa ikapagtatagumpay ng bawat isa na muling sinalubong ng malulutong na palakpak.

Binanggit din niyang magkakaroon kami ng group exhibit kung saan ang mga gagawin naming piyesa ay hindi lalagpas sa halagang sampung libong piso at ang lugar na magiging pansamantalang himpilan ng grupo ay ang galeriya ni Francis Apilis sa Pasig at ang aking galeriya sa Quezon City. Ang pinakasentrong gawaan ay ang liblib na studio at kung malalaking imahen ay puwedeng sa aming galeriya ni Francis na ipagagamit namin sa bawat grupong may proyektong malalaki at kailangan ng lugar na maalwan.

Nagpass the hat ako at nakalikom kami ng paunang pondo na limang libo anim na raan at dalawampung piso (P5,620.00) kung saan ang limang libo ay pledge ni Ronel Roces na isa ring katropang gumaganda ngayon ang guhit ng bayag..

Maraming naglatag ng mga magagandang mungkahi sa ikapagtatagumpay at ikatatatag ng grupo upang gumanda rin tulad nang iba ang guhit ng bayag at napagkaisahang bitbitin nilang lahat ang magagandang layunin, adhika at isasama sa gagawing By-Laws ng grupong Patak2.

Natapos ang pulong na sinundan ng iba’t ibang kasiyahan sa karaokeng inihanda ng mag-asawang Bobot at Eunice na may-ari ng liblib naming studio sa likod mismo ng Albergus Restaurant at doon lumipad ang mga malikhaing performance art, indak, tula at pag-awit ng makabago at lumang awiting kasamang lumilipad ng mga alilang kanin.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: